HomeSocial MediaIlang riders, nagbigay ng kanilang opinyon sa nangyari sa mag-asawang rider sa...

Ilang riders, nagbigay ng kanilang opinyon sa nangyari sa mag-asawang rider sa Marilaque: “Let this be a lesson for everybody”

Ilang riders ang nagbigay kanilang opinyon tungkol sa nangyari sa mag-asawang rider sa Marilaque nitong Nobyembre 13.

Matatandaan na nag-viral na sa social media ang nangyari sa mag-asawa na nakilala na sina Raymond at Paula Algoso na parehas nasawi sa nasabing insidente.

Lalo pang nanlumo ang mga netizens ng malaman na apat ang anak na naiwan ng mag-asawa.

Nangyari pa ang masamang pangyayari sa Marilaque Highway na paboritong destinasyon ng libo libong riders tuwing weekends.

Kaya naman hindi naiwasan ng ilang riders na ibahagi ang kanilang opinyon tungkol sa nangyari.

Isa sa mga nagbahagi ng kanyang opinyon ay ang vlogger na si Diary of the Motorcycle Rider Philippines kung saan ay sinabi niya na mayroon din siyang anak kaya’t lagi niyang iniisip na mabuhay kada siya ay magra-ride.

“Walang may gusto mangyari ito at pwede po nating maiwasan sa pamamagitan ng defensive driving / riding, at pagmamaneho ng naaayon sa inyong kakayanan. Hindi po racetrack ang kalsada. Hindi po natin kailangan bakbakin, ratratin, bilisan ang ating takbo dahil luging lugi po tayo kapag sumabit o mapitik tayo ng ibang sasakyan.” aniya.

“Please… let us enjoy riding, the scenery, the smell, the heat, our timeout from all the stress in this world in peace. Yung chill ride lang, yung takbong 40 o 60 pwede na yan. Masarap na yan and enjoy every minute of it. Kailangan natin umuwi muli sa bahay at magpahinga kasama ang ating mga anak at mahal sa buhay. Wag maging kamote, wag gayahin ang kamote, at mag suot ng tama, at safe na riding gears.” dagdag pa niya.

marilaque 3

Sa isa pang Facebook post, sinabi naman ni netizen George Llosala na lubhang delikado talaga ang pagmamaneho ng mabilis sa Marilaque na nasasakupan ng Probinsya ng Rizal, Laguna at Quezon.

Kaya naman nagbigay ito ng tip sa mga nagbabalak na pumunta sa Marilaque.

“Maraming kurbada sa lugar na yan, kaya dapat laging magmenor o magbawas ng bilis kapag liliko ka dahil posibleng maovershoot gaya sa kumakalat na video. Iba kasi ang takbo ng manibela ng motor kapag mabilis na lalo na sa mga kurbada, magagagawa mo lang ‘yung proper acceleration kung gamay mo kung paano magcounter steering – ito ang magandang skills na matutunan para hindi maovershoot. Kahit nga mga matatagal ng driver ng 4 wheels ay maninibago sa acceleration ng motor sa mga kurbada, ganun din ang mga matatagal nagdadrive ng motor pero hindi pa gaano nakakalayo at naeexperience ang ibat-ibang environment ng daan.” kwento niya.

“Siguro ang magandang maipapayo ko lang. Kahit gamay mo na, kahit nasa tamang lane ka, basta tuwing papunta sa kurbada lalo na sa mga sharp curves ay lumayo ka sa inner lane at magmabagal ka hanggat maari, dahil defensive driving is the key. Makakatulong ito sayo o sa posibleng maperwisyo mo.” dagdag pa niya.

Makikita sa ilang kumakalat na video sa social media ang tila paglampas sa lane ng mag-asawang rider na naging dahilan para tumama ito sa harapan ng isang pickup truck.

Sa lakas ng impact ay napaikot ng motorsiklo ang pickup.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular