HomeSocial MediaDating PBA rookie of the year Rico Maierhofer kay John Amores: "Kung...

Dating PBA rookie of the year Rico Maierhofer kay John Amores: “Kung hindi mo kayang i-handle ‘yung emotions mo, hindi para sa’yo ‘yung basketball”

Nagbigay ng mensahe ang PBA rookie of the year 2010 na si Rico Maierhofer kay Jose Rizal University (JRU) player na si John Amores.

Sa programa ni RR Enriquez, ibinahagi ni Rico ang kanyang mensahe para sa batang basketbolista na matatandaang nasuspinde sa NCAA at humaharap ngayon sa patong patong na reklamo matapos nitong sugurin ang kalaban nitong team mula sa College of Saint Benilde.

Ayon kay Rico ay maituturing na pisikalan ang basketball kaya’t hindi talaga maiiwasan na magkasakitan ang mga player.

john amores crying scaled

Kaya naman dapat ay mahaba ang pasensya ng mga basketball player upang makaiwas sa gulo at parusa na naghihintay sa kanila.

Kung hindi diumano makokontrol ni Amores ang kanyang emosyon ay hindi para sa kanya ang larong basketball.

“Kasi sa basketball… physical sports ‘yan eh… ngayon kung hindi mo maha-handle ‘yung emotions mo, hindi para sa’yo ‘yung basketball.” paumpisa ni Rico.

Naniniwala naman ang dating PBA player na pinagsisihan ni Amores ang kanyang nagawa.

“Sa side ni Amores, I’m sure pinagsisisihan niya ‘yung ginawa niya. Kasi from what I heard, affected din ‘yung scholarship niya. Affected ‘yung school niya. Affected ‘yung future niya… Pinagsisisihan niya ‘yan. Kaya may sinasabi ‘yung mga tao nasa huli ang pagsisisi…” aniya.

Bibigyan rin diumano ni Rico ng tyansa na makabalik sa liga si Amores kung siya lamang ang masusunod.

Nagbigay din ito ng payo na harapin ang lahat ng parusa na ipapataw sa kanya ngunit huwag parin itong susuko sa kanyang pangarap na maging PBA player.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular