HomeSocial MediaBawal mag move-on! Concert ng bandang LANY, ginawang rally ni Leni Robredo...

Bawal mag move-on! Concert ng bandang LANY, ginawang rally ni Leni Robredo ng ilang nanood doon

Agaw atensyon sa social media ang isang video kung saan makikita ang ilan sa mga eksena ng isinagawang five-day concert ng international band na LANY na ginanap sa SM Mall of Asia Arena.

Sa ibinahaging video ni JR Chua (@kunehongisko) ay makikita na tila naging rally na ng natalong kandidato sa pagkapangulo na si Leni Robredo ang nasabing concert.

Maririnig kasi ang pagsigaw ng ilang manonood doon ng ‘Leni’ at ‘Ang Presidente, Leni Robredo’.

Ayon sa ilang mga nanood ng concert ay ginawa rin nila ito ibang araw na concert ng LANY.

“Heto na’ng ating pinuno, my hurts so good,” Maling Leni Concert ata napuntahan ko,” sabi ng uploader.

Umabot naman ng libo libong reactions sa social media ang nasabing video.

May ilan naman na hindi maiwasan na batikusin ang ginawa ng mga ‘Kakampink’.

“The second hand embarrassment. Reciting an election chant in a concert almost sounds like Aldubnation na hindi nakamove on kay Maine at Alden.” sabi ni netizen Arie Hanley.

Wala pang pahayag ang nasabing banda kung ano ang masasabi nila na isinisiksik sa kanilang concert ang pangalan ng natalong kandidato.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular