HomeSocial MediaVan driver, pumanaw sa gitna ng pakikipagsiping nito sa kanyang babae sa...

Van driver, pumanaw sa gitna ng pakikipagsiping nito sa kanyang babae sa isang hotel

Hindi na nadala pa sa ospital ang isang 37-anyos na lalaki matapos itong pumanaw sa loob ng hotel na tinutuluyan niya kasama ang isang 20-anyos na babae.

Ayon sa ulat ng Cebu City News, pumanaw ang lalaki na nakilala bilang isang van driver habang diumano’y nasa gitna ito ng aksyon.

Atake sa puso ang naging dahilan ng mabilis na pagpanaw nito na ikinagulat naman ng kanyang kasama sa loob ng hotel.

Agad naman na humingi ng tulong ang babae sa mga hotel staff at mga otoridad ngunit huli na ang lahat.

Sa ngayon ay alam na ng asawa ng lalaki ang malagim na nangyari.

Hindi naman naiwasan ng legal wife na komprontahin ang babae na huling nakasama ng kanyang asawa.

Nakatanggap naman ang nasabing ulat ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Ang ilan ay nagpakita rin ng simpatya sa asawa ng lalaki dahil sa tila doble ang sakit na nararamdaman nito ngayon.

“Ang bilis ng karma,” sabi ni Grace Biason.

“Yung tipong na ded kana tapos nabuking kapa ng misis mo. RIP,” wika ni Nasser Saiyadi.

“Yong gusto mong makarating sa langit, kaya pinagbigyan kana ni lord,” saad ni Queenie Ariate.

Iniimbestigahan pa hanggang sa ngayon kung mayroong ‘foul play’ na nangyari.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular