HomeCelebrities'Team Damak' nag-party, isang linggo matapos silang batikusin sa iniwan nilang dumi...

‘Team Damak’ nag-party, isang linggo matapos silang batikusin sa iniwan nilang dumi sa isang resort

Ibinahagi sa social media ng grupo ng motovlogger na kilala na ngayon bilang ‘Team Damak’ kung paano sila mag-party, isang linggo matapos silang ma-isyu dahil sa iniwan nilang kalat sa isang resort na kanilang nirentahan.

Sa umpisa pa lamang ng video makikita si K’Nayn Motovlog na tinawag na ‘Ka-Damak’ ang kanyang mga followers.

“What’s up mga ka-damak,” sabi ng vlogger.

knany1
Larawan mula kay K’Nayn Motovlog/FB

Ang ibig sabihin ng ‘Damak’ sa salitang Cebuano ay ‘madumi’ kaya naman ito ang naging paboritong salita ng mga nambatikos sa mga vlogger.

Ipinakita rin sa nasabing video kung paano sila mag-party sa bahay na kanilang nirentahan.

Tila madami ding bisita ang mga nasabing vlogger.

Makikita rin sa isang bahagi ng video ang tila paglilinis ng isa sa kanilang mga kasama na tila tugon sa pambabatikos na natanggap nila noon dahil sa iniwan nilang kalat sa JAKKA Beach Resort.

damak 3
Larawan mula kay K’Nayn Motovlog/FB

Kitang kita naman na masaya ang nasabing grupo kahit na matindi ang kanilang kinaharap na isyu nitong nakaraang Linggo.

damak 2
Larawan mula kay K’Nayn Motovlog/FB

Matatandaan na si K’Nayn ang isa sa mga pinangalanan ng JAKKA Beach Resort sa kanilang post na umabot ng libo libong shares sa social media.

Ang nasabi ding vlogger ang naging representative ng grupo at humarap sa isyu na ibinato sa kanila.

“We were not treated with the utmost respect. We requested few things like “taklob sa kaldero, luwag, tubig, kutsara (since limited lng ilng kutsara considering 22 persons kaming lahat and their utensils are only for 20 people.) We were under the impression that the kitchen area is complete as what posted on their page.” the vlogger said.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular