HomeCelebritiesMag-asawa na motorcycle rider, nasawi habang nagra-ride sa Marilaque highway

Mag-asawa na motorcycle rider, nasawi habang nagra-ride sa Marilaque highway

Libo libong riders sa social media ang nagdalamhati matapos masawi ang isang mag-asawa na nagra-ride sa Marilaque Highway nitong Nobyembre 13, 2022.

Sa ilang video sa social media, makikita ang tindi ng pinsala na tinamo ng mga biktima na sina Jhogg Algoso at Paula Algoso na pawang mga motovlogger.

Naiwan ng dalawang biktima ang kanilang apat na anak.

Kinumpirma sa social media ng pinakamatandang anak nila na si Erlisha ang nangyari sa kanyang mga magulang.

“It is with our deepest sorrow to inform everybody of the death of our beloved parents:
Paula Judi Nangyo Algoso Raymond Algoso For those of you who are concerned about my siblings, we are fine, and my family is with us right now.” aniya.

“We are still working on the details for the funeral. We will keep you informed. But right now, prayers are we needed during this hard times. Thank you so much.” dagdag pa niya.

Nag-viral din sa social media ang huling post ng mag-asawa bago sila mag-ride.

algoso 1

Ang nasabing insidente ay bumuhay muli sa diskusyon kung dapat na nga bang pagbawalan ang mga motorsiklo sa nasabing highway.

Matatandaan na kilala ang Marilaque na paboritong tambayan ng mga rider na ang ilan ay ginagawa itong race track.

Lubhang nakapadelikado ng ginagawa ng ilang rider sa nasabing highway na ang ilan ay ginagawa pang content sa social media.

Kahit na mayroon ng ipinuwesto na mga pulis sa Marilaque ay wala paring tigil ang ilang rider sa kanilang pagpapakitang gilas sa nasabing highway.

Nangyari ang insidente sa boundary ng Barangay Pao-o at Matalingling, Santa Maria, Laguna.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Laguna LGU kung ano ang magiging aksyon nila ngayong may nagbuwis na muli ng buhay sa Marilaque.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular