HomeCelebritiesIsa sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Victor Consunji, huli dahil sa kasong...

Isa sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Victor Consunji, huli dahil sa kasong pagnanakaw

Huli sa isang entrapment operation ang marketing and public relations head ng Victor Consunji Development Corp. na si Lana Faith Operana Johnson.

Ayon sa ulat, nahuli ng mga otoridad si Johnson matapos nitong tanggapin ang marked money na nagkakahalaga ng P82,500 kapalit ng ‘falsified receipt’ at diumano’y ginamit ng suspek ang pangalan ng kumpanya ng kanyang boss sa nasabing transaksyon.

Marami rin ang nagsasabi na si Johnson ang isa sa mga pinagkakatiwalaang empleyado ni Consunji.

johnson 1

Matapos mahuli si Johnson ay nagbahagi ng post ang dating partner ni Consunji na si Maggie Wilson kung saan ay sinabi nito na ilang beses na siyang nagbabala sa negosyante tungkol sa mga nakapaligid sa kanya.

“I’ve warned you about her for years. I tried to protect you but instead, you chose to believe her over me. I always had your back and best interests. A woman’s intuition is always right. She used me to divert the attention. I thought you’d be smart enough to see through it.” ani Wilson.

maggie 1
Larawan mula kay @wilsonmaggie/Instagram

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang eksaktong ginawa ni Johnson kay Consunji.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Johnson na maliban sa VCDC ay mayroon pang ibang malalaking kliyente.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular