HomeSocial MediaHindi baliw! Korte, sinabing 'mentally fit' si Dr. Chao Tiao Yumol para...

Hindi baliw! Korte, sinabing ‘mentally fit’ si Dr. Chao Tiao Yumol para humarap sa paglilitis

Naniniwala ang korte na ‘mentally fit’ si Dr. Chao Tiao Yumol na humarap sa paglilitis sa kasong kinakaharap niya.

Matatandaan na pinatumba ni Yumol ang dating alkalde ng Lamitan City na si Rosita Furigay, excecutive assistant nito na si Victor Capistrano at ang security guard ng Ateneo de Manila University na si Jeneven Bandiala nitong Hulyo 24.

Pinaniniwalaan na personal na galit ang nanaig kay Yumol kaya niya ito nagawa sa dating alkalde.

READ: Doctor Chao-Tiao Yumol, nahuling suspek sa nangyaring insidente sa Ateneo de Manila

bbm sara yumol scaled

Ayon sa desisyon ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ay nakita nila na walang problema sa pag-iisip si Yumol kaya’t maari na itong humarap korte.

Ito’y matapos ang ilang beses na paghiling ng mga abogado ni Yumol na sumailalim sa mental health exam ang kanilang kliyente dahil sa umano’y wala sa matinong pag-iisip ang doktor.

Sinubukan muling humiling ng isa pang mental health examination ang kampo ni Yumol ngunit hindi na ito pinagbigyan ng korte.

Nag plead ng ‘not guilty’ naman si Yumol ng humarap ito sa korte nitong Nobyembre 11.

Ikinatuwa naman ng kampo ni Furigay na sa wakas ay aandar na ang paglilitis laban kay Yumo.

Sinabi rin ng kampo ng abogado ni Furigay na hindi na maari pang palabasin ni Yumol na siya ay may problema sa pag-iisip upang makalusot sa parusang naghihintay sa kanya.

Wala pang pahayag si Yumol tungkol sa naging desisyon ng korte.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular