Home Social Media Anak ng mag-asawang rider na nasawi sa Marilaque, may mensahe sa kanyang magulang: “Andaya niyo naman 18 lang ako”

Anak ng mag-asawang rider na nasawi sa Marilaque, may mensahe sa kanyang magulang: “Andaya niyo naman 18 lang ako”

0

Hindi maitago ng pamilya ng mag-asawang rider na nasawi nitong Linggo ang pagdadalamhati sa nangyaring biglaang pagpanaw ng kanilang ilaw at haligi ng tahanan.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Erlisha Denise, panganay na anak ng pumanaw na rider na sina Paula Judi Nangyo Algoso at Raymond Algoso ang kanyang mensahe para sa kanyang mga magulang.

Sa kanyang mensahe ay nangako si Erlisha na aalagaan niya ang tatlo niya pang kapatid.

“I know that both of you are with him and resting now. It was quick but I know that you both have eternal life, together.” aniya.

“Andaya niyo naman nag 18 lang ako oh? hayaan niyo, kami bahala sa mga bata. The four of us. We’ll make you both proud. I love you both so much.” sabi pa niya.

Inulan naman ng mensahe ng pakikiramay ang si Erlisha.

Sa ngayon ay humihiling ng dasal sa mga netizens ang pamilya Algoso.

Matatandaan na nag-trending sa social media ang nasabing insidente sa Marilaque na kilala sa pagiging paboritong tambayan ng mga motorcycle rider.

Sa isang video ay makikita na tumama sa isang sasakyan ang minamanehong motor ng mag-asawa na naging resulta ng kanilang pagkasawi.

Nangyari ang insidente sa boundary ng Barangay Pao-o at Matalingling, Santa Maria, Laguna.

Kilala ang nasabing highway dahil sa dami ng rider na ginagawang ‘race track’ ang nasabing kalsada na lubos na delikado para sa mga motorista.

Wala pang pahayag ang mga otoridad tungkol sa nasabing insidente at kung paano maiiwasan na mayroon pang magbuwis ng buhay sa nasabing highway.

 

Facebook Comments