HomeSocial MediaAnak ng mag-asawang rider na nasawi sa Marilaque, humiling na huwag ng...

Anak ng mag-asawang rider na nasawi sa Marilaque, humiling na huwag ng ikalat ang video ng nangyari

Nakiusap ang anak ng nasawing mag-asawang rider na sina Raymond Jhogg Algoso at Paula Algoso na huwag na sana pang ikalat ang video kung saan makikita ang aktwal na nangyari sa kanyang mga magulang.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Erlisha Denise Algoso na sana’y huwag ng panoorin pa ng mga netizens ang mga huling sandali ng kanyang mga magulang.

315311534 513089530721781 4840773234529392582 n
Larawan mula sa Philippines CCTV & DASH CAM Spotted/FB

Ilang page kasi sa social media ang nag-upload ng dashcam footage ng Toyota Hilux na nabangga ng mag-asawa.

Sa nasabing video ay makikita ang tila pag-overshoot ng isa sa mga motor na naging dahilan upang tumama ito sa harapan ng pickup truck na kasalubong nila.

Halata naman ang pagkabigla ng driver ng sasakyan dahil sa hindi niya agad nakita ang kanyang kasalubong na motorsiklo dahil sa pakurbada ang daan.

Nangyari ang insidente sa boundary ng Barangay Pao-o at Matalingling, Santa Maria, Laguna.

311447967 1841978942813075 4839471194733728892 n
Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Makikita sa isa pang video na ibinahagi ng isa pang netizen na humihinga pa si Mr. Algoso ngunit kalaunan ay binawian din ito ng buhay.

Sa ngayon ay humihiling ng dasal ang pamilya Algoso sa mga netizens.

“For those of you who are concerned about my siblings, we are fine, and my family is with us right now. We are still working on the details for the funeral. We will keep you informed. But right now, prayers are we needed during this hard times.” sabi ni Erlisha sa kanyang post.

Naiwan ng mag-asawa ang kanilang apat na anak.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mga otoridad kung mayroon bang mananagot sa nangyari.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular