HomeCelebritiesRobin Padilla, sinariwa ang tagumpay ng kanyang kampanya: "Tinalo silang lahat dahil...

Robin Padilla, sinariwa ang tagumpay ng kanyang kampanya: “Tinalo silang lahat dahil sa ‘Wonderful Tonight!”

Ibinahagi ni Sen. Robin Padilla ang dahilan kung bakit idinaan niya sa pag-awit ang kanyang panliligaw sa mga botante nitong nakaraang kampanya.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph, ibinahagi ni Padilla na ang boss ng VIVA na si Vic del Rosario ang nangumbinsi sa kanya ng kantahan na lamang ang mga botante imbis na gumawa pa siya ng talumpati.

Naniniwala kasi si Del Rosario na mas makakabuti kung ang makikita ng mga botante ay ang ‘totoong’ Robin Padilla.

robin vic del rosario

“Sabi ko, ‘Boss, paano ba itong gagawin ko? Kailangan kong manalo. Ayoko naman matalo,’” sabi ni Padilla.

“Isa lang ang sabi ni Boss Vic: ‘Huwag kang magpanggap na pulitiko. Kailangan ipakita mo yung tunay na Robin Padilla, walang kaplastikan. Huwag kang magpakamatalino. Ipakita mo lang na ang puso mo, nasa pelikula. Huwag kang gumawa ng kahit anong mahabang speech. Kumanta ka lang, solved ‘yan!’” dagdag pa niya.

Tila naging matagumpay naman ang naging istratehiya ni Padilla dahil sa ginulat nito ang sambayanang Pilipino ng maging topnotcher ito sa mga senador na nakakuha ng boto nitong nakaraang halalan.

Ilan sa mga inawit nito ay ang ‘Wonderful Tonight’ na paboritong paborito ng mga tagasuporta niya.

 “Tinalo silang lahat dahil sa ‘Wonderful Tonight. At ngayon, I feel wonderful tonight!”

Umabot sa 26,612,434 ang nakuha ni Padilla na nangako na isusulong ang pagbabago ng Saligang Batas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular