HomeSocial MediaRicky Hatton at Marco Antonio Barrera, nagharap para sa kanilang darating na...

Ricky Hatton at Marco Antonio Barrera, nagharap para sa kanilang darating na boxing match

Muling nagharap ang dalawang boxing legend na sina Ricky Hatton ng United Kingdom at Marco Antonio Barrera para sa isang eight-round exhibition match.

Nitong Nobyembre 11, ibinahagi sa social media ang paghaharap ng dalawa sa mga itinuturing na pinakamagaling na boksinghero ng kanilang panahon.

Gaganapin ang kanilang laban sa AO Arena sa Manchester, United Kingdom.

Sa ginanap na weigh-in ay tumimbang ng 159.9 pounds si Hatton habang 161 pounds naman si Barrera.

Matatandaan na nag-viral noon sa social media ang naging kalagayan ni Hatton simula ng matalo siya ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ngunit hinangaan naman ng mga netizens ang kanyang pagpapababa ng timbang para sa kanyang laban kay Barrera.

Itinuturing naman ng dalawang boksinghero at isa’t isa na magkaibigan.

Hinahanggan din ni Barrera ang ‘transformation’ na ginawa ni Hatton sa kanyang sarili.

“I’m very shocked at Ricky’s transformation and very proud of him, very happy,” ani Barrera.

“I’m very honoured to be a small part of his transformation knowing that the exhibition came through and he started focusing on his health.” dagdag pa niya.

Noong 2009 natalo ni Pacquiao si Hatton na umabot lamang ng round 2 at itinuring na Ring Magazine knockout of the year noong parehong taon.

Dalawang beses naman nagwagi si Pacquiao laban kay Barrera noong 2003 at 2007 na naging dahilan para sa pambansang kamao na lalong sumikat sa larangan ng boxing.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung manonood si Pacquiao sa nasabing exhibition match.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular