HomeSocial MediaRestaurant, pinuri dahil sa pagkuha ng mga PWD na crew: "I hope...

Restaurant, pinuri dahil sa pagkuha ng mga PWD na crew: “I hope more companies will open their doors to people like Kuya Prince”

Inulan ng papuri sa social media ang isang Korean BBQ Restaurant sa Cagayan de Oro dahil sa pagtanggap nila ng mga crew na mayroong Persons With Disabilities (PWD).

Ibinahagi ni netizen Ericka Mae Patalinghug ang larawan ng isa sa mga crew ng Romantic Baboy Limketkai Center branch kung saan ay makikita si ‘Prince’ na isa sa mga PWD crew ng restaurant.

Malalaman lamang na isang PWD si Prince dahil sa ID na nakasabit sa kanyang damit kung saan ay ipinapaalam ng restaurant na tanging sulat kamay lamang ang maiintindihan ng kanilang crew.

“Yesterday, we had our dinner at Romantic Baboy, LKK branch. I was so happy to meet Kuya Prince, who served our food last night. Even with his condition, he quickly responded to our needs and happily assisted us. He’s a PWD and can only communicate through writing.” ani Patalinghug.

“Kudos to Romantic Baboy, who opened their doors to persons with disability just like Kuya Prince.” dagdag pa niya.

Nagbahagi rin ng mga aral si Patalinghug para sa mga netizen na huwag sumuko sa buhay kahit na mayroon silang kinakaharap.

“1. Don’t let your disabilities or anything stop you from reaching your goals and dreams.
2. If they can do it, you can too. As long as you have the determination to do it.
I hope more companies will open their doors to people like Kuya Prince.” pagbabahagi niya.

Sa ngayon ay trending na sa social media ang nasabing post na inulan ng papuri mula sa mga netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular