HomeSocial MediaProud pa? John Amores sinariwa ang ginawa niyang pananapak sa isang player...

Proud pa? John Amores sinariwa ang ginawa niyang pananapak sa isang player ng UP

Habang ang ilang ay gusto pang bigyan ng isang pagkakataon ang Jose Rizal University basketball player na si John Amores ay may ilang netizens na naniniwala na hindi na dapat ito bigyan pa ng pag-asa na makapaglaro muli sa liga.

Sa ilang post sa social media, makikita na tila noon pa lamang ay hindi na nagpapakita ng pagsisisi si Amores sa kanyang mga ginagawa sa loob ng basketball court.

Isa na dito ay ang post ni Amores sa kanyang Facebook kung saan ay sinariwa nito ang kanyang ginawa nitong nakaraang Hulyo lamang sa isang player ng University of the Philippines.

Matatandaan na sa gitna ng laban ng UP at Jose Rizal University ay pinatikim ng kamao ni Amores si Belmonte matapos silang sabay na matumba habang dinedepensahan ang isa’t isa.

Dahil sa nangyari ay nanalo via forfeiture ang UP laban sa JRU.

Naging dahilan ito upang maharap sa demanda si Amores ngunit patuloy parin itong nakapaglaro sa NCAA kahit na may kinakaharap itong kaso.

Ngunit tila hindi nagpakita ng pagsisisi si Amores sa ibinahaging Facebook post niya na nakunan naman ng screencap ng isang Twitter user.

“Throwback Tuesday muna tayo guys. Sapakan with UP Player. #Kakamiss,” ani Amores sa kanyang caption.

amores 5

Kabaliktaran naman ito ng ipinakita ni Amores matapos ang kanyang ginawa sa mga player ng College of Saint Benilde kung saan ay humagulgol ito sa loob ng kanilang dugout.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular