HomeCelebritiesMaricar Reyes, inamin na nagalit sa mga nanood at nagpakalat ng kanyang...

Maricar Reyes, inamin na nagalit sa mga nanood at nagpakalat ng kanyang ‘video’: “My life was ruined”

Inamin ni Maricar Reyes-Poon na matindi ang kanyang pagkamuhi sa mga tao na nagpakalat ng kanyang ‘video’ na kumalat noong 2009 kung saan ay nakasama nito ang celebrity doctor na si Hayden Kho.

Ibinahagi ni Maricar sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ang ilan sa mga parte ng kanyang libro na ‘MARICAR’ kung saan ay ikinuwento niya ang kanyang pinagdaanang pagsubok sa buhay simula ng kumalat sa internet ang nasabing video.

Ayon sa kanya ay hindi niya maiwasan na magalit lalo na sa mga nakapanood, nagpakalat at sa mga nagbibigay ng komento tungkol sa nasabing video.

maricar reyes hayden kho scaled

Inakala rin niya noon na nasira na ang kanyang buhay dahil sa tindi ng nakuhang publicity ng nasabing isyu na umabot pa hanggang sa senado.

“I hated everyone who watched, shared, made nasty comments, insensitive jokes or had anything to do with the spread of the video. Now, absolutely everything was ruined. I was ruined. My life was ruined,” ani Maricar.

Sinubukan parin naman nitong magpakatatag at ipinagpatuloy parin ang kanyang mga proyekto kahit na sa gitna ng pagkalat ng nasabing video.

Ginamit niya ang kanyang pagtatrabaho upang makalimutan ang nasabing isyu.

Ngunit pumasok din sa isip niya na magkulong na lamang sa kanyang tahanan upang makalimutan na siya ng tao.

“Gusto ko kasi ‘yung ganu’n na parang makulong sa isang place, hindi na ako lalabas.” aniya.

Sa ngayon ay may ilang netizens parin ang nagbibigay ng komento tungkol sa nasabing isyu ngunit hindi na lamang ito pinapansin ni Maricar at buong tapang niya na lamang itong tinanggap.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular