HomeCelebritiesHidilyn Diaz, pasado sa kanyang thesis defense: “‘Di ko inakala magagawa ko...

Hidilyn Diaz, pasado sa kanyang thesis defense: “‘Di ko inakala magagawa ko ito,”

Hindi makapaniwala ang weightlifting Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz na makakapasa siya sa kanyang thesis defense para sa kanyang kursong Business Management sa De La Salle-College of St. Benilde.

Nitong Nobyembre 11 ay hinarap ni Diaz ang mga panelist upang depensahan ang kanyang thesis.

Ginawa ito ng 31-anyos na weightlifter sa gitna ng kanyang paghahanda upang makakuha muli ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics, kaya naman hindi siya makapaniwala na magiging matagumpay ang kanyang thesis defense.

Kwento niya ay ilang beses na diumano siyang nakatanggap ng impormasyon na mahihirapan siya sa CSB, ngunit ipinagpatuloy niya parin ang kanyang pangarap.

“‘Di ko inakala magagawa ko ito kasi naman kaka-enroll ko pa lang sa BM marami na nagsasabi ang hirap ng thesis diyan, maraming bumabagsak sa course na ‘yan (hirap daw kasi), mag-shift ka na ng course at du’n ka na sa ibang school na p’wede kang makapagtapos ng pag-aaral by 1-2 years,” ani Diaz.

“Pinilit kong ipagpatuloy ang pag-aaral sa @dls.csb dahil ang dami kong natutunan sa course at sa mga instructor namin na mga magagaling sa field nila,” dagdag niya pa.

Inulan naman ng pagbati si Hidilyn mula sa kanyang mga fans at pati narin sa mga celebrities.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular