HomeCelebritiesArnold Clavio, pinabulaanan na pumanaw na ang kasamahan na si Mike Enriquez

Arnold Clavio, pinabulaanan na pumanaw na ang kasamahan na si Mike Enriquez

Pinabulaan ng mamamahayag na si Arnold Clavio ang mga balita na pumanaw na ang kanyang kasamahan sa GMA na si Mike Enriquez.

Sa kanyang programa, ibinahagi ni Cristy Fermin na mismong si Clavio ang tumawag kay Enriquez upang kamustahin ito.

“Mabuti na lang si Arnold, si Igan, si Arnold Clavio, tinawagan niya agad si Tito Mike at sinabi niya buhay na buhay si Mike Enriquez. Biktima siya ng fake news.” kwento ni Cristy.

Matatandaan na kumalat sa social media nitong nakaraan lamang ang ilang post kung saan ay kumalat ang diumano’y pagpanaw ng beteranong mamamahayag.

Kahit ang ilang personal na kaibigan ni Enriquez ay napaniwala ng mga nasabing balita at isa na rito ang beteranong singer na si Richard Merk.

“Rest in peace Tito Mike. We will all miss you. A great loss to the news industry. Labyu Tito. My sincere condolences to your loving family and friends. Enjoy the company of our dear creator in heaven.” ayon sa post ni Merk.

mike enriquez 1

Ayon kay Merk ay nakuha lamang niya ang nasabing impormasyon sa isa pang miyembro ng showbiz na si Loly Mara.

“This photo with Mike Enriquez and his wife was taken 3yrs ago at Nora Trajano’s bday. I’m glad I saw Mike after many years and now he’s happy in heaven with the Lord. Rest in peace dear Mike.” sabi naman sa caption ng aktres.

loly mara

Itinanggi na ng GMA na pumanaw na ang mamamahayag matapos ang ilang araw nitong pagkawala sa telebisyon.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mismong kampo ni Enriquez tungkol sa kondisyon ng mamamahayag.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular