HomeCelebritiesVhong Navarro, posibleng makasama ang pamilya sa darating na Pasko kung makapagpiyansa

Vhong Navarro, posibleng makasama ang pamilya sa darating na Pasko kung makapagpiyansa

Kumpiyansa ang kampo ng komedyante at host na si Vhong Navarro na maaring makapagpiyansa ang kanilang kliyente matapos ang bail hearing sa kasong na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Alma Mallonga na ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makumbinse ang korte na mabigyan ng pansamantalang kalayaan si Vhong.

vhong 2

“We did our best. We did everything that was necessary in our belief to show the truth and the truth is that Vhong from our perspective is entitled to bail,” ayon sa abogado.

Hindi nakadalo ng personal si Vhong sa korte at dumalo lamang ito sa pamamagitan ng video conferencing.

Naniniwala naman sila na bago mag pasko ay malalaman kung mabuti o magandang balita ba ang hatid ng korte para sa aktor.

Patuloy naman diumanong malakas ang loob ni Vhong lalo na’t sa nalaman nito ang suporta na kanyang natanggap.

VHONG 1

“Mas na-appreciate niya ang family, mas nakita niya ang pagmamahal ng mga anak niya at asawa niya sa kaniya, nanay niya, at fans. Support ng mga kaibigan,” sabi pa ng abogado.

Kasalukuyang nasa kustodiya parin ng National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro na humaharap sa patong patong na reklamo.

Samantala ay hiling naman ng kampo ni Deniece na mailipat na sa nararapat na selda sa kustodiya ng BJMP sa Taguig ang aktor dahil sa hindi diumano tama na manatili sa NBI ang komedyante.

Hindi naman malaman kung kinokonsidera ba ng kampo ng modelo ang pakikipag-areglo kay Vhong katulad ng sinabi ng pamilya ni Deniece.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular