HomeSocial MediaPNP itinanggi na sa kanila ang Toyota Alphard na nakita sa isang...

PNP itinanggi na sa kanila ang Toyota Alphard na nakita sa isang viral na larawan

Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na pagmamay-ari nila ang luxury car na Toyota Alphard na nakita sa kahabaan ng Maynila nitong nakaraang linggo.

Makikita sa larawan na ibinahagi sa page na VISOR at sa ilan pang social media platform ang nasabing sasakyan na mayroong nakadikit na ‘Pulisya’ at logo ng PNP sa mismong sasakyan.

Kuha diumano sa Makati City ang nasabing larawan kaya naman mismong ang NCRPO na ang nagsabi na hindi nila pagmamay-ari ang nasabing kotse.

“Considering the presumption that the place is in Ayala Center, Makati City, we confirm that we have no issued police vehicle with car type and model such as this in NCRPO,” ayon sa NCRPO nitong Nobyembre 10.

“We will not let anyone to disobey the law for personal and temporal intentions once proven to have transgressed it. Likewise, we urge the general public to immediately report to the authorities any encounter or information pertaining to this incident for appropriate action,” sabi pa nila.

Kahit ang PCADG din ay sinabi na hindi nila pagmamay-ari ang nasabing sasakyan.

Dahil dito ay naglabas na ng babala ang PNP sa social media kung saan ay sinabi nila na hinahanap na nila ang may-ari ng Toyota Alphard.

“PAALALA: Labag sa batas ang paglagay ng PNP logo at insignia ng iba’t ibang sangay nito sa mga pribado o pang-personal na sasakyan,” paalala ng PNP.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahahanap ng mga otoridad ang nasabing sasakyan upang mapatawan ng kaukulang parusa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular