HomeSocial MediaNetizen na hindi pinansin ng kanyang mga kaibigan, humingi ng tulong: "Hindi...

Netizen na hindi pinansin ng kanyang mga kaibigan, humingi ng tulong: “Hindi lahat pwede mong tawaging kaibigan”

Hindi maitago ng isang netizen ang kanyang kalungkutan dahil simula diumano ng siya ay magkaroon ng isang malalang sakit ay hindi na siya pinapansin ng kanyang mga kaibigan.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Mark Anthony Buenavista ang kanyang kasalukuyang lagay sa mga netizens at kaibigan na ikinagulat ng lahat.

Hindi rin nito maitago ang sama ng loob sa mga taong nakasama niya noong siya ay malakas pa dahil sa ngayong siya naman ang humihingi ng tulong ay hindi man lang sila magpakita o tumugon sa kanya.

310311331 106526532234392 8729915682097536347 n
Larawan mula kay Mark Atnhony Buenavista

Ayon sa kanya ay ilang beses niyang sinubukan na humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan pambili ng gamot ngunit hindi siya nito pinansin.

Dahil dito ay napagtanto niya na hindi lahat ng tao na nasa paligid niya ay maituturing niyang isang totoong kaibigan.

313979317 125222690364776 4869290743010642255 n

Kaya naman sa tulong na lamang ng mga netizens na hindi niya personal na kakilala siya umaasa.

“Nung mga panahon na Malakas Pa ako kapag Alam nilang Tinawagan ko sila o Chinat-Tinext anjan sila agad. Anjan Ung Tatawagin ka pa nang… Kapatid / Bessy / Bes, para magpabili ng Ganto Ipang sangkalan Sa Inuman Na wala sila Pang Ambag Syempre ako malakas pa Anjan sila para May kasama din Ako pero bakit ganun,” aniya.

314526104 124574647096247 4146464030556896253 n
Larawan mula kay Mark Atnhony Buenavista

“Ni isa wala man lang ako Nakita sa Messenger o text oh bisitahin Man lang Ako sa ospital wala man lang Ako ni isa sa mga inaasahan ko na bibisitahin ako, kung sino pa yung mga taong hindi ko Inaasahan na na bibisita Sakin at Mga Tumulong Mula ng Na Confined ako hanggang sa na sa bahay ako ngayon wala Sila – kaya Ngayon Ko Na Pagtanto na Hindi lahat HINDI MO PWEDE TAWAGIN KAIBIGAN BILANG LANG SA DALIRI MO ANG MGA TAO NANJAN SA PANAHON NA KAILANGAN,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong reactions sa social media ang kanyang post.

“Kumakatok po ako sainyong mga puso na sana Matulungan po ninyo ako kahit sa Maliit na halaga lang po mga boss nag Dadiaper pa po kasi ako dahil hindi po ako Makatayo At Nag gagamutan pa din po ako na Riseta ng Dr sa labas, kaya Halos said na said po talaga ako Mga Boss,” aniya.

Sa mga gustong tumulong sa kanya ay maari lamang ninyong bisitahin ang profile ni Mark Anthony sa kanyang Facebook.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular