HomeCelebritiesMaricar Reyes-Poon, alam na natakot ang ina niya matapos siyang humarap sa...

Maricar Reyes-Poon, alam na natakot ang ina niya matapos siyang humarap sa ‘iskandalo’ noong 2009

Ibinahagi ni Maricar Reyes-Poon na hanggang ngayon ay hindi parin sila nag-uusap ng kanyang ina tungkol sa ‘iskandalo’ na kinaharap niya noong 2009.

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, sinabi ni Maricar na hindi man sila nag-usap ng kanyang ina tungkol sa nasabing isyu ay alam nito na isa ang kanyang magulang sa mga natakot para sa kanyang magiging kinabukasan.

Napagtanto niya ang kinakatakot ng kanyang ina ng bigla na lamang itong maging emosyonal habang nakikita siya na nagsusukat ng damit para sa kasal niya kay Richard Poon.

richard poon marciar

Ayon kay Maricar ay tila nakita niya ang ina niya na nabunutan ng tinik lalo na’t inakala nito na hindi na maikakasal ang kanyang anak matapos ang nangyari noong 2009.

“My mom’s eyes suddenly filled with tears. Though we never directly talked about it, I knew my mother had feared that I might never find someone who wanted to marry me,” ayon kay Maricar.

Matatandaan na noong 2009 ay ginimbal ang publiko ng mga kumalat na pribadong video ng celebrity doctor na si Hayden Kho kung saan makikita ang mga kasama nitong iba’t ibang babae kasama na si Maricar.

Dahil sa nangyari ay naging batas ang R.A. No. 9995 kung saan paparusahan ang sinuman na magpapakalat ng pribadong larawan o video ng mga indibidwal.

Umabot naman ng 12 na taon bago siya nakapagsalita tungkol sa isyu.

“There’s really a process, and don’t be too hard on yourself. If you feel like, parang ang tagal… It took me 12 years to get to a point that I’m stable enough to talk about it, and actually have a heart to help people.” aniya.

“Kung meron kang pinagdadaanang mabigat, it will take time. Parang ang mindset mo sarili na it’s a marathon, it’s not a sprint.” dagdag pa niya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular