HomeCelebritiesLinya ni Beauty Gonzales, agaw atensyon sa netizens: "Wala kang experience. Hindi...

Linya ni Beauty Gonzales, agaw atensyon sa netizens: “Wala kang experience. Hindi ka nga nakapagtapos ng college!”

Hindi maiwasan ng mga netizen na pag-usapan ang naging linya ng aktres na si Beauty Gonzales na gumaganap bilang Violet Chua sa “Mano Po Legacy: Flower Sisters”.

Naging viral sa social media ang nasabing linya na sinabi ni Beauty sa kanyang asawa ng kanyang karakter sa programa na si Rafael Rosell na ginagampanan ng aktor na si Julian Gomez.

Sa nasabing eksena kasi ay humihingi ng pondo para sa kanyang pagtakbo sa pagka-alkalde si Rafael.

Ngunit kinuwestiyon ni Beauty ang kwalipikasyon ng karakter ni Julian para tumakbo sa public office.

“Seryoso ka ba talaga? Papasukin mo ang politka kagaya ng pamilya mo?” ayon sa karakter ni Beauty.

“Because you don’t know anything. I mean, anong alam mo sa pagpapatakbo ng probinsya o ‘di kaya small town? Wala kang experience. Hindi ka nga nakapagtapos ng college dahil wala kang ibang inatupag kundi ang mag-party,” dagdag niya pa.

Hindi naman naiwasan mag-viral sa social media ng nasabing linya ni Beauty na binatikos naman ng ilang netizens na ang ilan ay mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Kundi ba naman mga utak biya ang mga Dilawan na ito, nagsiluwagan na ang mga turnilyo sa ulo,” sabi ni netizen @JuanCar39131909 na isang PBBM supporter.

Matatandaan na ibinato rin noon kay PBBM ang kwalipikasyon nito sa pagtakbo bilang pangulo kasama na dito ang antas ng pinag-aralan nito.

Pinuna rin ng ilang netizens ang pagiging mahilig sa social events ng pangulo.

Kaya’t hindi masisisi na ilang tagasuporta ng presidente ang matamaan sa nasabing linya ni Beauty.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular