HomeSocial MediaJohn Amores, sinampahan na ng reklamo ng mga player na nakatikim ng...

John Amores, sinampahan na ng reklamo ng mga player na nakatikim ng kanyang kamao

Nagsampa na ng reklamo ang mga player ng College of Saint Benilde na sina Jimboy Pasturan at Taine Davis laban sa nakaalitan nila sa court na si John Amores ng Jose Rizal University.

Nitong Nobyembre 11, pormal na nagsampa ng reklamo sa San Juan Hall of Justice ang dalawang player kasama ang kanilang coach na si Charles Tiu.

Ikinalungkot ni Tiu na kailangan pang umabot sa ganito ang nangyari dahil sa maari naman itong maiwasan kung hindi nanaig ang emosyon sa mga player.

Makikita sa isa namang video na ibinahagi ng PTV ang blackeye na natamo ni Pasturan dahil sa ginawa sa kanya ni Amores.

Nitong Nobyembre 9 ay dumaan sa isang physical examination sila Pasturan at Davis.

Patong patong na reklamo ang isasampa nila Pasturan at Davis laban kay Amores.

 

Matatandaan na nitong Nobyembre 8 ay ilang player ng Benilde ang napatumba ni Amores matapos nitong manugod sa bench ng nasabing team.

Humingi naman ng paumanhin ang JRU sa naging asal ni Amores at nangako sila na hindi na ito mauulit.

Suspendido naman sa paglalaro sa NCAA si Amores ngunit mayroon pa diumano itong pag-asa na makabalik kung makikita nila na magbabago na ito.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Amores at kung hihingi ba ito ng paumanhin sa kanyang mga nagawa.

Hindi naman malaman kung magsasampa rin ba ng kaso ang iba pang Benilde player na nakatikim ng kamao ni Amores.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular