HomeSocial MediaJohn Amores, hindi mapigilan humagulgol matapos ang ginawa nito sa kalabang team

John Amores, hindi mapigilan humagulgol matapos ang ginawa nito sa kalabang team

Sa unang pagkakataon ay ipinakita kung ano nga ba ang nangyari kay Jose Rizal University basketball player John Amores matapos itong manugod ng ilang manlalaro ng College of Saint Benilde nitong Nobyembre 8.

Matatandaan na humaharap ngayon sa patong patong na reklamo at suspensyon si Amores dahil sa hindi nito napigilan ang kanyang emosyon at idinaan sa dahas ang ginawa diumanong paninigaw sa kanya ng ilang players ng Benilde at ng mga fans.

Binatikos hindi lamang ng mga simpleng netizens, kundi ng mga public official ang nasabing asal ni Amores kasama na si Sen. JV Ejercito na sinabing dapat ay hindi na makapaglaro pa sa basketball ang manlalaro.

Mayroon pa sanang natitirang 3:22 para sa fourth quarter ngunit hindi na pinayagan pang makapaglaro si Amores at ang ilang mga player.

Ngunit sa ibinahagi ng larawan ng GTV sa loob ng dugout ng JRU team ay tila makikita ang agad na pagsisisi ni Amores sa kanyang ginawa.

Makikita ang walang tigil na paghagulgol ni Amores habang siya ay tinitignan ng isa sa mga nurse ng NCAA.

Sa ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung makakapagpatuloy pa nga ba sa kanyang paglalaro ng basketball si Amores.

Wala pang opisyal na pahayag ang basketball player sa nangyari.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular