HomeSocial MediaSenador JV Ejercito, handang makipag 'boxing' kay JRU player John Amores: "He...

Senador JV Ejercito, handang makipag ‘boxing’ kay JRU player John Amores: “He should be banned for life”

Hindi napigilan ni Senador JV Ejercito na ipakita ang kanyang pagkadismaya sa inasal ng basketball player ng Jose Rizal University na si John Amores na matatandaang nag-amok sa NCAA Season 98 seniors game nitong Nobyembre 8.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ejercito na dapat ay hindi na makapaglaro pa habambuhay sa kahit anong basketball league si Amores dahil sa ginawa nito sa ilang miyembro ng College of Saint Benilde team.

“John Amores should be banned for life in any basketball league. What he did on court on an NCAA game is a bad impression on our youth.” paumpisa ng senador.

Mas makakabuti diumano na mag boxing na lamang si Amores o mag mixed martial arts (MMA).

Handa naman si Ejercito na maka-sparring ang nasabing basketball player.

“He should try UFC or boxing instead. Spar lang yan, tanggal gigil! Try the sweet science this time! But seriously he needs psychiatric help.” aniya.

Sa ngayon ay pinatawan ng ‘indefinite ban’ ng NCAA si Amores dahil sa ginawa niya.

Ganito rin ang pinataw ng JRU kay Amores na hindi muna makakapaglaro sa team.

Ang ibig sabihin ay hindi pa permanenteng maalis sa liga si Amores at mayroon pa itong pag-asa na makabalik sa kanyang career bilang isang basketball player.

Ayon sa mga opisyal ng NCAA ay gusto pa nilang bigyan ng isang pagkakataon si Amores na magbago at maging isang mabuting player.

Hindi naman makakaligtas sa kanyang obligasyon si Amores dahil sa mga ginawa niya sa mga player ng Benilde.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Amores sa nangyari.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular