HomePoliticsSen. Bato dela Rosa, may payo kay Gen. Gerald Bantag: "Mahirap maghamon...

Sen. Bato dela Rosa, may payo kay Gen. Gerald Bantag: “Mahirap maghamon ng estado. You don’t challenge the state.”

Nagbigay ng kanyang payo si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag matapos itong magbigay ng mga maanghang na pahayag laban sa gobyerno.

Matatandaan na sa panayam sa kanya ni Anthony “Ka Tunying” Taberna ay sinabi ni Bantag na hindi siya magpapahuli ng buhay sa gobyerno kung madiin siya sa nangyari sa mamamahayag na si Percy Lapid.

bantag lapid scaled

“Ipapahintulot ko bang makulong ako? P*tayin na lang ninyo ako kasi alam ko mangyayari sa akin do’n eh. ‘Di naman ako mga senador, mga nakulong na mga big-time na sabihing proteksyonan ‘yan. Na kung sasabihin nilang ako target nila? Magp*p*tayan na lang kami ng gobyernong ito,” ani Bantag.

Tugon naman ni Dela Rosa, hindi naman kailangan matakot ni Bantag kung siya ay inosente at dapat harapin nito ang kanyang kaso.

“You face the music. Harapin mo (ang kaso). Anyway, if you are really innocent, you will be set free,” ani Dela Rosa.

Nagbabala din ang senador sa sinabi ni Bantag laban sa gobyerno.

“Mahirap maghamon ng estado. You don’t challenge the state. Kung gusto mo panindigan ang pananalita mong ganyan, then magpakalalaki ka. Panindigan mo ang sinasabi mo,” aniya.

Ayon naman kay Dela Rosa ay maari din naman siyang mailagay sa PNP Custodial Center kung saan nakapiit si dating Sen. Leila de Lima kung natatakot ito sa kanyang kaligtasan.

Wala pang tugon si Bantag sa payo ni Dela Rosa na namuno rin sa BuCor.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular