HomeCelebritiesRomnick Sarmenta, may hugot tungkol sa 'clown' na pumasok sa 'palasyon': "The...

Romnick Sarmenta, may hugot tungkol sa ‘clown’ na pumasok sa ‘palasyon’: “The palace becomes a circus”

Nagbahagi ng isang ‘hugot’ ang aktor na si Romnick Sarmenta tungkol sa isang ‘clown’ na pumasok sa ‘palasyo’.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Sarmenta ang kanyang hugot na ang paniwala ng mga netizens ay patama sa mga nasa itaas.

“When a clown enters a palace, he doesn’t become a king; The palace becomes a circus,” paumpisa ni Sarmenta.

“There’s a fine line between that which pleases and that which is beneficial… and it is called discernment.

I have been many things to different people, and the only difference I see is who they are to me.” aniya.

romnick 1

Hinndi naman malaman kung ang mga opisyal ba sa Malacanang Palace ang pinapatamaan ni Sarmenta.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang komento sa hugot ni Sarmenta.

“Payaso ba ang nasa palasyo? Kung sakaling nanalo Leni mo, palagay mo ba di yan magiging PUPPET ng mga pulitiko ang mga rebeldeng sumusuporta sa kanya? Magtulungan na lang tayo para may maiambag naman tayo sa bansa natin. Move on na kayo. Nakakaumay na kayo.” sabi ni @seyemorshe.

“Ang laos nagpapansin sa pamamagitan ng patutsadang tula. Nagiging clown sa sobrang pait na natalo ang kandidato… bow.” ani Rosie Banez.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular