HomeCelebritiesRendon Labador tila may hamon kay John Amores: “Yan ang gusto kong...

Rendon Labador tila may hamon kay John Amores: “Yan ang gusto kong kalaban”

Tila nagpakita ng interes ang influencer na si Rendon Labador na maka 1-on-1 sa isang basketball game ang Jose Rizal University (JRU) player na si John Amores.

Humaharap ngayon sa kontrobersya si Amores dahil sa pag-aamok nito sa laro nila laban sa College of St. Benilde (CSB) bilang parte ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament.

Ilang miyembro ng Benilde ang nakatikim ng kamao mula kay Amores sa gitna ng fourth quarter kung saan lamang ang CSB.

Dahil sa pagiging ‘maangas’ sa court ni Amores ay nagbigay ng komento si Labador na kilala rin sa kanyang pagiging pisikal sa paglalaro ng basketball.

“Yan ang gusto kong kalaban sa basketball,” ani Labador.

“Grabe yung talent na ipinakita niya. Ano masasabi ninyo?” dagdag pa niya.

Dahil dito ay ilang netizens ang tila hiniling na sana’y magkaharap sa court ang dalawa.

“Mukhang sayo kami kakampi ngayon idol ah,” sabi ni Met Querido.

Pero may ilan din na binalaan si Rendon sa kagustuhan niyang makaharap si Amores.

“Yan nanaman tayo idol wag kna sumawsaw jan hindi ka nga nka bawi sa sumapak sau dati. Hindi kba natakot jan tatlo ang tumba sa kanya,” wika naman ni Peter Dignadice.

Matatandaan na hinamon narin noon ni Rendon ang basketball legend na si Marc Pingris sa isang basketball game na pinag-usapan ng mga netizens sa social media.

Sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang laban sa pagitan ng dalawa.

Hindi naman malaman kung magpapakita rin ba ng interes si Amores kay Labador.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular