HomeSportsDating four-division boxing champion na si Donnie 'Ahas' Nietes, ibinahagi ang kanyang...

Dating four-division boxing champion na si Donnie ‘Ahas’ Nietes, ibinahagi ang kanyang pagiging food delivery rider

Ibinahagi ng dating four-division world boxing champion na si Donnie “Ahas” Nietes ang kanyang bagong pinagkakaabalahan sa buhay matapos ang kanyang pagkatalo sa title match laban kay Kazuto Ioka.

Sa kanyang Facebook post nitong Martes, Nobyembre 8, ibinunyag ni Nietes na nagtatrabaho siya ngayon bilang isang food delivery rider.

Hindi naman mapigilan ng mga netizens na humanga sa pagiging masipag ni Nietes na kilala na isa sa mga pinakamagaling na boksinghero sa kasaysayan ng Pilipinas.

“Mayayaman nga nagtatrabaho parin para kumita.. tayo pa kayang mga hampas lupa puro pang judge lang ang alam. Saludo ako sa mga ganitong tao na di umaasa sa iba,” sabi ni netizen Aga Cimafranca.

“Isa kang tunay na inspiration, di lang Sa mga kapwa boksingero, at kapwa pilipino, Kung di sa kapwa nag sisikap, mabuhay ka sir Donnie, you have given extra inspiration to every delivery man out there that they can continue to work hard, sikap at Tiyaga… a true hero to every Filipino,” wika ni Rico Robles.

Ilang netizens naman ang idinaan sa biro ang kanilang komento kay Nietes.

“Panigurado walang mag cacancel ng order dito sa taong ito,” biro ni Paul Villagomez.

Ngunit may ilan na nag-alala kung bakit kailangan pang kumayod ni Nietes kahit na naging maganda ang takbo ng boxing career nito.

Matatandaan na hindi lahat ng boksinghero ay naging katulad ni eight-division world champion Manny Pacquiao na kumikita ng daan daang milyong piso kada laban.

Sa ngayon ay wala pang paglilinaw kung bakit pinasok ni Nietes ang pagiging food delivery rider.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular