HomeSocial MediaDahon ng mangga, nakitang ibinebenta sa Amerika sa halagang P1600 per kilo

Dahon ng mangga, nakitang ibinebenta sa Amerika sa halagang P1600 per kilo

Hindi makapaniwala ang mga netizens na ang dahon pala ng mangga na maituturing na itinuturing lamang na kalat sa Pilipinas ay ibinebenta pala ng pagkamahal-mahal sa Amerika.

Sa video na ibinahagi ni netizen MJMoCrew sa Facebook, makikita ang kanilang pagkasupresa habang namimili sa isang grocery ng makita ang isang balot ng dahon ng mangga na ibinebenta $12.99 kada pound o P1600 per kilo.

Ayon naman sa netizen ay mayroon naman palang mga benepisyo ang dahon ng mangga sa kalusugan ng tao.

mango leaf 2
Screencap ng reels ni MJMoCrew/FB

Ayon sa website na healthline.com ay mayaman ang dahon ng mangga sa antioxidants, mangiferin, polyphenols.

Nakakatulong din diumano ang mango leaf extract para maiwasan ang pagtaas ng inyong timbang.

Kahit mismong ang Department of Science and Technology (DOST) ay nakikita na mayroong anti-aging at whitening properties ang dahon ng mangga.

“In terms of skin whitening, extracts from young leaves of pico and carabao varieties were most potent in inhibiting tyrosinase, the skin darkening enzyme. On the other hand, among the extracts from the mature leaves, the apple mango exhibited the greatest potency. While these extracts are better whitening agent than the ascorbic acid, such is not the case with kojic acid.” ayon sa DOST.

“In terms of anti-aging, extract from apple mango leaves was the most potent elastase (enzyme for aging) inhibitor, which was about two times to four times more potent than the other extracts. Compared with the standard tocopherol (Vitamin E compound commonly found in nuts, oil, and vegetables), the mango leaf extracts were probably 10 times more effective.” dagdag pa nila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular