Home Politics Prosecutor, itinanggi na isasama si Duterte sa imbestigasyon sa kaso ni Percy Lapid

Prosecutor, itinanggi na isasama si Duterte sa imbestigasyon sa kaso ni Percy Lapid

0

Nanindigan ang isang government prosecutor na hindi maisasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga iimbestigahan sa kaso ng nasawing mamamahayag na si Percy Lapid.

Matatandaan na kumakalat sa social media ang diumano’y pagiging sangkot ni Duterte sa nangyari kay Lapid dahil sa isa ang mamamahayag sa mga kilalang kritiko ng dating pangulo.

Ngunit ayon kay prosecutor Atty. Darwin Canete ay malabo ng maisama si Duterte sa mga iimbestigahan dahil sa naisampa na ng mga otoridad ang kaso laban sa ilang indibidwal kasama na ang appointee ng dating pangulo na si suspended Bureau of Correction (BuCor) chief Gen. Gerald Bantag.

“The case was already filed and obviously hindi kasama si PRRD sa named respondents. Linking PRRD to the case was a poor squid tactic attempt to gain sympathy for the accused and to muddy public perception. Our authorities never for one second, thought to include him based on investigation. Look at the official findings and not the speculations of the uninformed.” ayon kay Canete.

Samantala ay sinabi ng kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa na naniniwala silang hindi lamang si Bantag ang sangkot sa kaso.

“Hindi po kami kumbinsido sa ngayon na hanggang kay Bantag lamang itong kaso na ito,” ani Mabasa.

 

Facebook Comments