HomeCelebritiesJam Magno, naniniwala na walang nilabag sa privacy act ang JAKKA Beach...

Jam Magno, naniniwala na walang nilabag sa privacy act ang JAKKA Beach Resort

Naniniwala ang influencer na si Jam Magno na walang nilabag na batas ang JAKKA Beach Resort matapos nitong ibahagi ang larawan ng kanilang mga guest na vloggers na nag-iwan ng napakadaming kalat sa nirentahan nilang villa.

Sa kanyang video, ipinaliwanag ni Magno kung bakit naniniwala siya na hindi lumabag sa R.A 10173 o Data Privacy Act of 2012 ang nasabing beach resort kahit na ibinahagi nito ang pagkakakilanlan ng kanyang mga guest.

resort vs vlogger scaled

Ayon sa kanya ay hindi maituturing na ‘private citizens’ ang sina K’Nayn Motovlog at Pobreng Lagaan dahil sa kinokonsidera nila ang kanilang mga sarili bilang vloggers.

“‘Yung sinabi kasi na data privacy act, intindihin po natin bago natin i-quote kasi madali kasi para gawing pantakot sa totoo lang po,” ani Magno.

“Hindi niyo po pwedeng kasuhan ng R.A 10173 o Data Privacy Act ang resort kasi hindi po privilege conversation ang pinost ng resort, wala pong nakitang personal na gamit at hindi po personal space ng mga taong ‘yon.

“Ang kalat mo lang ‘yung naiwan, yung anino mo wala na,” dagdag pa niya.

Naniniwala rin si Magno na ang posible pang makasuhan ay ang mga vlogger dahil sa ginawa nilang mga pahayag laban sa resort.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mga nasabing vloggers kung may balak ba sila na magsampa ng reklamo laban sa resort.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular