HomeSocial MediaDahil sa bad review? Vloggers na nag-iwan umano ng kalat sa isang...

Dahil sa bad review? Vloggers na nag-iwan umano ng kalat sa isang resort, nagbigay din ng ‘bad review’

Tila nakita na ng ilang netizens kung ano nga ba ang pinagsimulan ng isyu sa pagitan ng isang grupo ng mga vloggers at ng isang beach resort sa Davao Oriental.

Matatandaan na inulan ng batikos sa social media ang mga vloggers na sina Pobreng Laagan and K’Nayn Motovlog dahil sa diumano’y iniwan nilang kalat sa JAKKA Beach Resort.

Ibinahagi sa social media nitong Nobyembre 6, 2022 ang mga larawan na kuha ng beach resort kung saan makikita ang iniwang kalat ng mga vloggers sa nirentahan nilang villa na nagkakahalaga ng P20,000.

Ngunit ilang oras bago pala ibahagi ng JAKKA ang mga nasabing larawan ay nagbahagi ng maiksing komento si K’Nayn Motovlog tungkol sa nasabing resort.

“JAKKA Beach Resort way lami (distasteful)” ayon post ng vlogger nitong Nobyembre 6, 2022 bandang alas otso ng umaga.

JAKKA 2

Hindi naman napigilan ng resort na magbahagi ng kanilang tugon sa masamang review sa kanila ng vlogger.

Tila hindi nagustuhan ng resort ang sinabi ng vlogger at sana’y kinausap na lamang sila ng pribado tungkol sa problema nila sa kanilang stay.

Itinanggi rin nila na inutakan nila ang grupo ng mga vlogger at ipinagmalaki na ang kanilang mga staff ay maasikaso at pinupuri ng ibang mga guest.

“Our staffs are very well trained and even praised by our guests,” tugon ng JAKKA bandang alas diyes ng umaga.

Ngunit inireklamo naman ni K’Nayn Motovlog kung bakit sinisingil pa sila ng 100 para sa mga kitchen utensils na gagamitin nila sa pagluluto.

jakka 3

Bandang 11:42 AM ay saka nag-post ang JAKKA ng mga larawan ng kalat na iniwan ng grupo nila K’Nayn sa kanilang villa.

READ: Beach Resort, inireklamo ang mga guest na vlogger dahil sa iniwan nilang madumi ang kanilang nirentahang villa

Tingin tuloy ng ilang netizens ay ang bad review ng vlogger ang nag-udyok sa resort na ibahagi ang iniwang kalat ng kanyang mga guest.

Itinanggi naman ito ng resort at sinabi na kagustuhan lamang nila na magbigay ng ‘public awareness’ sa mga tao.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular