HomeSportsBasketball player na si John Amores, nanugod at nanakit sa laban ng...

Basketball player na si John Amores, nanugod at nanakit sa laban ng JRU laban sa Benilde

Ginimbal ng National Collegiate Athletic Association basketball (NCAA) player na si John Amores ang mga netizens matapos nitong manugod at manakit ng ilang miyembro ng katunggali nilang team nitong Nobyembre 8, 2022.

Nasa 3:22 na minuto nalang bago matapos ang 4th quarter sa pagitan ng Jose Rizal University (JRU) at De La Salle-College of Saint Benilde ng biglang manugod ng fan si Amores na naglalaro para sa JRU.

Nakapwesto ang nasabing fan sa likod ng bench ng Saint Benilde kaya naman ilang player mula sa katunggali ng JRU ang sinubukan pigilan si Amores.

Makikita na isang Benilde player ang sinubukan harangin si Amores at sinubukan itong suntukin.

Agad namang gumanti si Amores kung saan ay tatlong miyembro ng Benilde ang nakatikim ng kamao ng nasabing player.

Hinila ng security palabas ng court si Amores upang maiwasan pa ang paglaki ng gulo.

Inaasahan na malaki ang magiging parusa ng NCAA laban kay Amores at ang ilan ay tinawag na ‘career-ending’ ang ginawa ng basketball player.

Wala pang pahayag ang NCAA kung sa ano ang magiging aksyon nila laban kay Amores na napabalita narin na nanakit noon ng kalaro niya sa basketball.

Hindi pa malinaw kung ano ang sinabi ng fan kay Amores para sugurin siya nito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular