Home Social Media Guro, naantig sa excuse letter mula sa magulang ng kanyang estudyante: “Wala po silang masuot na damit”

Guro, naantig sa excuse letter mula sa magulang ng kanyang estudyante: “Wala po silang masuot na damit”

0

Isang guro ang hindi maitago na maantig sa excuse letter na ipinadala sa kanya ng magulang ng isa sa kanyang mga estudyante na hindi pumasok ng mahigit isang linggo.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Marilee San Juan ang liham na natanggap niya kung saan ay sinabi ng magulang ng kanyang estudyante na hindi ito makapasok dahil sa wala itong damit na maisoot.

Ayon sa liham ay nasira na ang kaisa-isang uniporme ng kanyang anak.

“Sorry po kung hindi ko po pinapasok ang anak ko kas sa kadahilanan na wala na po silang masoot na damit at isa lang po ang uniform niya at nawarak pa po ang pantalon.” sabi ng magulang sa guro.

Sinabi pa ng magulang ang ilan sa mga pagsubok na kinakaharap nila katulad na lamang ng kakulangan sa tubig at minsan ay nakikiligo na lamang sila.

Nakasama pa dito ang problema nila sa upa na hindi nila mabayaran.

“Sa ngayon po hindi na kami natutulog sa inuupahan namin dahil hindi pa ako nakabayad sa upa ng bahay dahil ang kinikita ko ay sapat lang sa pagkain namin magiina at simula March 2022 hindi pa po kami nakapayout sa homeless family ng DSWD kaya ngayon balik kalsada muna kami natutulog. Maraming salamat sa pang unagawa.” ayon pa sa magulang.

314403407 491026199727437 986745071749305657 n
Larawan mula kay Marilee San Juan/FB

Hindi naman mapigilan ng guro na magpakita ng kalungkutan sa dinadanas ng kanyang estudyante.

“My learner, has been accumulating loads of absences since August (4Ps pa mandin), He has been absent for more than a week, and good thing he appeared last Thursday in time for our 1st Periodic Test. He gave me this letter, and this broke my heart.” sabi ni San Juan.

Ilang netizens ang tinawag ang atensyon ng gobyerno upang matulungan ang pamilya ng nasabing estudyante upang hindi na maantala ang pag-aaral nito.

 

Facebook Comments