HomeSocial MediaGeneral Gerald Bantag, opisyal nang pinangalanan na suspek sa nangyari kay Percy...

General Gerald Bantag, opisyal nang pinangalanan na suspek sa nangyari kay Percy Lapid

Opisyal ng pinangalanan nang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at National BUreau of Investigation (NBI) ang suspendidong Bureau of Corrections chief Gerald Bantag na isa sa mga suspek sa nangyari kay Percy Lapid.

Sa isang press conference na ginawa nitong Lunes, Nobyembre 7 ay ibinahagi sa isang press conference na pinangunahan nila Department of Justice Sec. Boying Remulla at Interior Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang mga personalidad na posibleng sangkot sa pagkasawi ng mamamahayag.

314862209 479381990983634 5555325863412290363 n

Ayon sa PNP ay si Bantag at si SJO2 Ricardo Zulueta ang posibleng nag-utos na patumbahin si Lapid at ang middleman na si Jun Villamor.

Naniniwala sila na ang motibo sa nangyari kay Lapid ay ang diumano’y ginagawang mga rebelasyon ng mamamahayag laban kay Bantag.

Ipinakita din ng mga otoridad ang diumano’y matrix na nagpapakita ng koneksyon ni Bantag sa mga diumano’y nagpatahimik sa middleman na nasa loob ng BNP.

Ayon kay Remulla ay hindi makakapagsalita ang mga nasa loob ng Bilibid kung nanatili paring pinuno doon si Bantag.

Itinampok na noon ni Lapid si Bantag sa kanyang radio program kung saan ipinakita pa ng mamamahayag ang mga ari-arian ng heneral kasama na ang mga kotse nito.

Upang patunayan na walang katotohanan ang sinasabi ni Lapid ay ipinakita ni Bantag sa publiko ang kanyang kasalukuyang tirahan ang mga sasakyan.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Bantag tungkol sa pagkakasangkot sa kanya sa nangyari kay Lapid.

Matatandaan na sa isang panayam sa kanya ay sinabi ni Bantag na alam niyang siya ang ididiin ng gobyerno sa nangyari sa mamamahayag dahil diumano sa mayroong isang mataas na opisyal na gustong kunin ang kanyang pwesto.

Hindi naman diumano papayag ang heneral na mailagay siya sa selda ng buhay.

“Ipapahintulot ko bang makulong ako? P*tayin na lang ninyo ako kasi alam ko ang mangyayari sakin,” sabi ni Bantag.

“Magp*p*tayan na lang kami ng gobyernong ito,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya ay marami siyang kaaway na mga grupo sa loob ng Bilibid kaya’t marami ang gusto siyang mapaalis doon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular