HomeCelebritiesAtty. Ferdinand Topacio, may rebelasyon laban kay Gen. Bantag: "He was trying...

Atty. Ferdinand Topacio, may rebelasyon laban kay Gen. Bantag: “He was trying to intimidate witnesses against De Lima”

Ibinahagi ng kilalang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio ang diumano’y naging karanasan ng isa sa mga hawak niyang kliyente sa suspendidong Bureau of Corrections chief General Gerald Bantag.

Si Topacio ang abogado ni Bilibid inmate na si Herbert Colanggo na pumayag na tumestigo noon laban kay dating Sen. Leila de Lima.

Ayon sa abogado ay nakatanggap siya ng impormasyon na si Bantag ang nasa likod ng mga diumano’y pananakot sa mga witness para baliktarin ang kanilang salaysay laban kay De Lima.

Sinabi rin nito na sinubukan ni Bantag na pabalikin sa Bilibid ang ilan sa mga witness laban kay De Lima na nasa Camp Aguinaldo sa hindi malamang dahilan.

Ang mga nasabing witness laban kay De Lima ang mga parehong tao na ngayon ay diumano’y pinangalanan ni Bantag na nasa likod ng nangyari kay Percy Lapid.

“Long before this whole Percy Lapid thing (in fact, even under the Duterte administration), I have alerted the authorities to that reliable info that I got that Bantag was trying to intimidate witnesses against De Lima into recanting by, among others, insisting on their transfer back to Bilibid from Camp Aguinaldo, where these witnesses are under Witness Protection,” ani Topacio.

Matatandaan na ilang witness na laban kay De Lima ang bumaliktad ng kanilang salaysay kasama na dito si dating BuCor OIC Rafael Ragos.

Noong 2020 naman ay nasawi ang isa pang witness laban kay De Lima na si Jaybee Sebastian.

Wala pang sagot si Bantag tungkol sa akusasyon laban sa kanya ni Topacio.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular