Home Celebrities Asawa ng delivery rider na nasawi habang nagpapahinga sa gitna ng daan, may liham para kay Risa Hontiveros

Asawa ng delivery rider na nasawi habang nagpapahinga sa gitna ng daan, may liham para kay Risa Hontiveros

0

Nagpadala ng isang liham ang asawa ng nasawing delivery rider na si Noel Escote para kay Senador Risa Hontiveros.

Ito’y matapos maglabas ng pahayag si Hontiveros kung saan kinuwestiyon nito ang diumano’y hindi pagpansin ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Escote sa nasawi nilang rider.

Matatandaan na kumalat sa social media ang mga larawan ni Escote na nakahiga na lamang sa kanyang motor at wala ng buhay sa gitna ng daan matapos ang ilang oras niyang pagtatrabaho.

313942634 672051904483315 1446334061738025517 n

Sa kanyang liham, ibinahagi ni Jennifer Bocboc ang kanilang kahilingan kay Hontiveros na sana’y matulungan sila ng senador upang mabigyan sila ng tamang trato ng nasabing kumpanya.

Sa nasabing liham ay ikinuwento ni Bocboc na masama na pala ang pakiramdam ng kanyang asawa ngunit nagpumilit parin itong bumiyahe noong araw na siya ay pumanaw.

“Sumulat po ako sa inyo para humingi ng tulong at simpatya bilang isang senador na may malasakit sa katulad ni Noel na isang delivery rider. Humihingi kami ng kahit papaano naman sana ay makatulong ang kumpanya sa sinapit ni Noel. Ngunit wala po kaming narinig o nababasang anumang pahayag mula sa kanila,” ayon kay Bocboc.

“Ordinaryong mga tao lang po kami at walang anumang pagkakakitaan kaya po nagtityaga si Noel na magdeliver upang may maipakain at masustentuhan ang pamilya. Wala pong may kagustuhan sa nangyari sa kanya ngunit wala din po kaming magawa kundi humingi ng tulong upang maihatid namin ng maayos sa huling hantungan si Noel,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Hontiveros ay itinuturing na “independent contractors” ang mga rider kaya’t hindi sila nabibigyan ng benepisyo na kaparehas sa mga mangagawa.

She then urged the people to support the POWERR ACT para mabigyan ng proteksyon ang mga delivery rider katulad ni Escote.

Facebook Comments