HomeCelebritiesSuper Tekla, may hamon kay Donita Nose: "Ilabas mo kung ano ang...

Super Tekla, may hamon kay Donita Nose: “Ilabas mo kung ano ang gusto mo, wag ng magparinigan!”

Hinamon ni Romeo Librada o mas kilala bilang ‘Super Tekla’ ang kanyang dating ka-tandem na si Donita Nose na tigilan na ang pagpaparinig sa kanya.

Sa kanyang ilang video na ibinahagi sa Facebook, makikita si Tekla na ilang beses tinawag ang pansin ni Donita na diumano’y patuloy ang pagpaparinig sa kanya sa social media.

“P*nyeta ka Donita, alam mo para kang lata na kinalakalawang na parang pagsinisipa mo sa daan tunog ng tunog kasi walang laman,” ani Tekla. “Ilabas mo, niloloko mo ‘yung mga tao, naghihintay, ilabas mo na kung ano ang gusto mong ilabas,” 

Sa isa pang video ay sinabi nito na sana’y diretsuhin na siya ni Donita kung ano ang gusto nitong ilabas laban sa kanya.

“Nananahimik ako dito.. Alam mo Donita ilabas mo kung ano ang gusto mong ilabas, lumaylo ako sa vlog kasi alam mo ‘yon, alam mo ang rason ko. Ilabas mo na kung ano ang gusto mong ilabas, wag ng magparinigan,” hamon pa ni Tekla.

“Kung matapang ka talaga ilabas mo, ganoon kasimple ‘yon,” dagdag pa niyai

Matatandaan na noong Marso ay nagdesisyon ng maghiwalay ang dating sikat na tandem dahil sa ilang problema na kinaharap nila.

Ayon kasi noon kay Donita ay siya lamang ang kumikilos sa channel nila ni Tekla.

“Nakakadurog ng pagkatao. Binigay mo lahat. Inihain mo na lahat, kahit utak mo dumudugo na sa pag-iisip at hirap. Ang dami ko shinare sa sarili ko. Pero sasabihan mo lang ako ng walang nangyari?”  ani Donita.

“Masakit sa akin kasi halos ako na lahat, e. Tapos walang nangyari? Unfair naman yata sa akin yun, di ba?’ Sa totoo lang, si Tekla pagdating sa trabaho, pagdating sa vlog namin, di siya professional. May katamaran.” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular