HomeCelebritiesKaya tahimik? Hiwalayan umano nila Angel Locsin at Neil Arce, usap-usapan ngayon...

Kaya tahimik? Hiwalayan umano nila Angel Locsin at Neil Arce, usap-usapan ngayon sa social media

Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano’y hiwalayan nina Angel Locsin at Neil Arce.

Napansin kasi ng ilang netizens ang tila hindi pagiging aktibo ni Angel lalo na’t kilala ito na palaging tumutulong kapag mayroong kalamidad na nangyayari sa bansa.

Ayon sa ilang ulat ay ang hiwalayan daw ng dalawa ang dahilan kung bakit tahimik si Angel sa social media.

Ngunit ipinagtanggol ng talent manager na si Ogie Diaz si Neil at Angel at sinabi na wala siyang nasagap na matibay na ebidensya para mapatunayan na hiwalay na nga ang dalawa.

Naniniwala si Ogie na maaring gusto lamang ni Angel na maging pribado pansamantala.

“According to my source, si Angel Locsin ay nananahimik muna. Nagpahinga for a while sa social media. Wala ring hiwalayang nagaganap sa pagitan nila ng asawa niyang si Neil Arce,” ani Ogie.

Sinabi rin ni Ogie na abala si Angel ngayon sa pagbabawas ng timbang na posibleng senyales ng kanyang pagbabalik sa telebisyon.

Nitong nakaraang taon lamang ikinasal si Angel at Neil kaya naman umaasa ang mga netizens na walang problema sa relasyon ang dalawa.

Wala pang pahayag ang dalawa kung ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular