HomeCelebritiesIlang Aldub fans, nakiusap kay Alden Richards na linawin kung may anak...

Ilang Aldub fans, nakiusap kay Alden Richards na linawin kung may anak ba talaga sila ni Maine Mendoza

Naging usap-usapan sa social media ang naging kwento ni Maine Mendoza tungkol sa ilang fans ng AlDub na diumano’y naniniwala na nagkaroon siya ng anak sa dati niyang ka-loveteam na si Alden Richards.

Ibinahagi ni Maine sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na may ilan paring naniniwala na mayroong naging bunga ang pagiging supercouple nila ni Alden sa totoong buhay.

Ngunit hanggang ngayon ay marami parin ang tila hindi kumbinsido sa sinabi ni Maine at sinabi na kailangang kumpirmahin din ni Alden Richards kung totoo nga bang wala silang anak ng kanyang dating loveteam.

Naniniwala sila na ang pananahimik ni Alden ay nagbubunga ng maraming haka-haka tungkol sa relasyon nila ni Maine.

“And the supposed other half is quiet? Shouldn’t he also clear the air? He has that responsibility, too, assuming he is respectable man. Silence fuels more speculations and gossips,” sabi ni netzien @TitaFaney.

aldub 1

May ilan pa na nagpakita ng diumano’y pruweba na mayroon talagang anak si Alden at Maine.

aldub 2

Ibinahagi din ng isang Twitter user ang diumano’y patuloy na pangungunsinti ni Alden sa ilang AlDub fans.

aldub 3

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung maglalabas din ng kanyang pahayag si Alden tungkol sa isyu tungkol sa diumano’y anak nila ni Maine.

Noong 2015 sumikat ang tambalan ng dalawa sa noontime show na Eat Bulaga na tinawag na ‘Aldub phenomenon’.

Sa sobrang sikat ng dalawa ay nagkaroon pa ng world record ang dalawa sa Twitter sa pinakamaraming tweet para sa isang hashtag sa loob lamang ng 24 oras.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular