HomeCelebritiesDJ Chacha, may patama tungkol sa pagtaas ng bilihin: "Welcome to golden...

DJ Chacha, may patama tungkol sa pagtaas ng bilihin: “Welcome to golden era!”

Tila nagpatama ang radio host na si Czarina Marie Balba o mas kilala bilang si DJ Chacha sa administrasyong Marcos sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilihin.

Sa kanilang radio program sa News5, ibinigay ni Chacha ang kanyang opinyon sa pinakabagong ulat mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ng 7.7% ang inflation nitong nakaraang Oktubre.

Ayon sa kanya ay kailangan na maging madiskarte ang mga mamimili ngayong patuloy parin ang pagtaas ng bilihin.

“Kaya po sa ating mga kapatid na nakikinig, ‘wag na po kayong magtaka, ‘pagka…. pumunta kayo last week ng grocery tas pagbalik ninyo ngayon, ‘Ha?! ‘Yun na ‘yung presyo?’ Nakakalokoa talaga minsan,” ani Chacha.

Tila binanggit din nito ang paboritong linya ng mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang halalan kung saan ay tinawag nilang ‘golden era’ ang magiging administrasyon ng kasalukuyang pangulo.

“Sabi nga ng nanay ko ‘pag namamalengke siya, presyo ngayon ng gulay, ‘ginto.’ Talagang golden era! Welcoem to golden era!” banat ni Chacha.

Maituturing na pinakamataas ang nasabing inflation rate sa loob nakaraang 14 na taon.

Ang inflation rate ang ginagamit upang sukatin kung gaano nga ba kabilis tumaas ang mga bilihin sa merkado.

Naniniwala naman ang National Economic and Development Authority (NEDA) na may kinalaman sa nangyayari sa Russia at Ukraine ang pagtaas ng inflation sa bansa.

Sa ngayon ay naniniwala ang NEDA na kailangan pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang agrikultura.

“It’s high time that we boost support for the agriculture sector not only in post-disaster recovery but more importantly through preemptive measures. To sustain productivity and resilience, climate-adaptive agricultural technologies should be put in place and value chains strengthened. In addition, one of the priority legislative measures of the President is the creation of the Department of Water Resources that will oversee the use and supply of water, and mitigate the risks of water-induced disasters,” sabi ni Socioeconomic Planning Secretary and NEDA Director General Arsenio Balisacan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular