HomeCelebritiesDating Pang. Duterte, dumalaw sa lamay ng kanyang kaibigan na si Danny...

Dating Pang. Duterte, dumalaw sa lamay ng kanyang kaibigan na si Danny Javier

Dulamaw si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa lamay ng kanyang kaibigan at tagasuporta na si APO Hiking Society member Danny Javier.

Ibinahagi ni Sen. Christopher “Bong” Go ang ilan sa mga larawan na kuha sa pagdalaw ni Duterte sa kanyang namayapang kaibigan.

 

314670974 2918202878333374 8533827935805062770 n
Larawan mula kay Sen. Bong Go/FB

“Sir Danny, ang buong sambayanang Pilipino ay lubos na nagpapasalamat sa iyong naging kontribusyon sa musika na siyang nakatatak na sa puso ng bawat masa. Salamat at paalam muli!” ani Go sa kanyang post.

Matatandaan na naging usap-usapan sa social media noon ang naging pagsuporta ni Javier kay Duterte dahil sa ang isa sa mga kasamahan niay sa banda na si Jim Paredes ay kilalang kritiko ng dating pangulo.

Nag-viral din ang larawan ni Javier noon kasama si Duterte sa isang event.

Inilarawan ni Javier  si Duterte bilang isang ‘no-nonsense’ na tao.

314638207 2918202858333376 5476120239126534325 n
Larawan mula kay Sen. Bong Go/FB

Ibinahagi naman ni Paredes sa isang panayam nitong Marso 2022 na parte na lamang ng nakaraan ang pagkakaiba nila ng paniniwala pagdating sa politika.

“That was then. We have talked sometime ago and we are OK.” sabi ni Paredes.

Pumanaw nitong Oktubre 31 si Javier sa edad na 75 dahil sa kumplikasyon sa puso.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular