HomeCelebritiesJohn Regala, naglabas ng sama ng loob sa mga kasamahan niya sa...

John Regala, naglabas ng sama ng loob sa mga kasamahan niya sa showbiz: “Wala kayong pag ibig sa akin”

Ilang buwan matapos itong mag-trending sa social media ay muling humingi ng tulong ang aktor na si John Regala sa kanyang mga kasamahan sa showbiz.

Sa kanyang liham, humiling ng tulong medikal ang aktor matapos ang isang hindi magandang pangyayari at kinakailangan niyang dumaan sa isang operasyon.

Ipinaalala ni John sa kanyang mga dating kasamahan ang naging ambag niya sa pelikulang Pilipino at umaasa ito na hindi siya ipapahiya ng showbiz industry sa hinihingi niyang tulong.

john 2

“Mahal kung mga kapatid sa industria. Ito’y bukas na liham sanay ma unawaan niyo ang nilalaman ng liham na ito. Mahigit tatlong dekada naring akong artista at ng bigay ako ng kasiyahan at karangalan sa industria ng pilikula. Nag bigay karangalan sa pelikulang pilipino marami naring akong ibahagi sa mga bida at kuntrabida man ng pinilakang tabing . Kaya ako nmn po ang na ngangailangan po sa ngayon sana po wag namn akon ipahiya sa hihilingin sa inyo .ngayon namn po ako humingi ng tulong sa ating guild.” sabi ni John sa kanyang liham.

Ayon sa kanya ay nabalian siya kaya’t kinakailangan siyang ma-operahan sa lalong madaling panahon.

“Ayaw ko po pumanaw na inutil lalo na sa mga harapan ng mga taong akala ko ay habang buhay kung makakasama.bigyan niyo namm ako kunting dignidad ako’y nag susumamo don bilang john regala karapatdapat nmn akong sa respetong yan,” wika niya.

“Sana po mapukaw ang inyong damdamin na d lng isa ka john regala mang yari ang mga bagaybna ito kundi sa lahat .wag nating pabayaan ang mag ka isa tayo na anak ng mga tunay na artista at tunay na anakng isng tunay at malalim na artistang pilipino Inaasahan ko po ang inyong pag tugon kasama narin po ang pasasalmat dahil sa ating pinag samahan .mag kakaiba ang pangalan ngunit iisa ang ating pag ibig ang pag arte sa televesyon at pilikula at teatro,” dagdag pa niya.

john regala 3
Larawan mula kay John Regala/FB

Ngunit tila walang pumansin na miyembro ng showbiz industry sa liham ni Regala kaya’t naglabas ito ng sama ng loob dalawang araw matapos niyang ibahagi ang kanyang post.

“Mga kapatid ko sa industriya ngaun ko napatunayan na wala kayong pag ibig sa akin,” ani John sa kanyang post.

john 1
Larawan mula kay John Regala/FB

Ibinahagi naman ni John na nakapagpa-opera parin siya at maituturing itong tagumpay.

Matatandaan na ilang beses nag-trending sa social media si John dahil narin sa naging antas ng pamumuhay nito matapos ang kanyang magandang career sa showbiz.

Tinulungan ang dating aktor ng mga kapwa niya artista sa pagpapagamot nito ngunit ilang buwan pa lamang ay tumigil ang ang tulong na kanyang natanggap.

Ayon kasi sa ilang tumulong sa John ay hindi maganda ang ipinapakitang ugali ng dating aktor at ginagamit din nito ang natatanggap niyang mga pera sa hindi magagandang bagay.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular