Hindi naitago ng ilang netizens ang kanilang pag-aalala kay Maine Mendoza matapos ang rebelasyon nito tungkol sa ilang fans niya na tila hindi na alam kung ano ang realidad.
Matatandaan na pitong taon ng wala ang tambalan ni Maine at Alden Richards ngunit may ilan paring mga fans ang naniniwala na magkakatuluyan parin ang kanilang mga idolo.
Sa ilang post sa Twitter, pinag-ingat ng ilang netizens si Maine sa pakikihalubilo sa kanyang fans matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan makikita ang ilang fans ng ‘Aldub’ na mayroong hawak na kandila habang kumakanta.
“Mabuhay ang Aldub nation, mabuhay si Alden, mabuhay si Maine,” sabi ng babae sa video.
View this post on Instagram
Hindi mapigilan ng ilang netizens na tawagin na ‘kulto’ ang nasabing grupo.
“Ginagawang santo ‘yung dalawa. Nakakatakot,” sabi ni @yasitmestas.
“This fandom thing of aldub is giving me so much chills. ewan ko. magandang study rin to about how fanaticism can effect someone’s morals/reality. this is even beyond fangirling if fans themselves disregard truth from their idol. grabe.” komento ni @psychtwts.
“Heto talaga iyong fandom na kulto levels. Nung minsan may pa-meeting pa ‘yang mga’yan na may mga hawak na kandila at kumakanta ng If We Hold on Together. May mga naiyak pa. Wala ng AlDub, matagal na. Kaya itigil niyo na ‘yan.” tweet ni @supernegatrona.
Post ko ulit at deleted ng isang delulu.😂 Magsawa kayo sa KULTO.😭 pic.twitter.com/35vwhCxqli
— AltGMA🌈 (@KafosoMo) November 4, 2022
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ibinahagi ni Maine na ilang beses na siyang nakiusap sa ilan niyang fans na tanggapin na ang katotohanan na hindi magiging sila ni Alden.
“Meron pa rin po na hanggang ngayon, kumakapit pa rin dun. So yun yung hindi ko rin ma-tolerate, and I tried calling them out pa po a couple of times already pero ayaw po talaga nilang maniwala,” kwento ni Maine.
“Yung iba kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak na kami. Totoo po ito, marami na po akong tao na dinirect message sa Twitter to tell them na, ‘Wala pong katotohanan.’” dagdag pa niya.