HomeCelebritiesVP Sara Duterte, pinagbawalan ang mga guro na makipagkaibigan sa mga estudyante...

VP Sara Duterte, pinagbawalan ang mga guro na makipagkaibigan sa mga estudyante sa social media

Iniutos ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa lahat ng miyembro ng Department of Education (DepEd) na iwasan ang pakikipagkaibigan sa kanilang mga estudyante sa social media.

Ito’y matapos makatanggap ng ilang sumbong ang DepEd ng diumano’y kahalayan na ginagawa ng ilang guro sa kanilang mga estudyante na nag-uumpisa sa pakikipag-chat online.

Sa inilabas na DepEd Order No. 49, ipinagbawal ni Duterte ang mga pakikipag-ugnayan ng mga guro sa kanilang mga estudyante gamit ang social media depende na lamang kung sila ay kamag-anak ng mga ito.

93647

Kasama narin dito ang pakikipagkaibigan ng teacher sa estudyante sa social media platforms katulad ng Facebook.

“Avoid relationships, interaction, and communication, including following social media with learners outside the school setting, except if they are relatives.” ani Duterte.

Hindi naman nakasaad kung kasama ba dito sa pagbabawal ang mga ‘group chats’ na nauuso ngayon sa social media na ginagamit ng mga guro upang makipag-ugnayan sa kanilang mga estudyante sa labas ng oras ng klase.

Samantala ay pinag-ingat din ni Duterte ang mga empleyado ng DepEd sa paggamit ng kanilang mga sariling social media account.

Inatasan ang mga guro na mag-ingat pagdating sa kanilang mga ibabahaging impormasyon sa social media.

Ipinagbawal din ni Duterte ang pag-aaway ng mga DepEd employees online.

Ayon kay Duterte ay dapat idaan sa tamang reklamo ang sama ng loob ng mga empleyado ng DepEd sa mga kasamahan nila at hindi ito idaan sa social media.

“Failure to comply with the abovementioned acts shall mean outright denial of any request or appeal for consideration in the Office of the Secretary,” ayon sa utos.

Ipinagbabawal din ang mga empleyado ng DepEd na manghingi ng pondo sa mga politiko para sa kanilang mga proyekto.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular