HomePoliticsVice President Sara Duterte, nakita habang namimili ng kanyang mga groceries

Vice President Sara Duterte, nakita habang namimili ng kanyang mga groceries

Kahit na isa na siya sa mga pinakamakapangyarihang opisyal ng bansa ay tila hindi parin nakakalimutan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kanyang obligasyon bilang isang ina.

Sa isang video na ibinahagi ni netizen JDennis J Awit ay makikita ang bise presidente habang namimili ng kanyang mga groceries sa isang mall sa Mandaluyong City nitong Nobyembre 1, 2022.

Makikita sa video na mismong si Duterte ang namimili ng kanyang mga groceries kasama ang kanyang mga staff.

“Yong VP ka pero ikaw ang nag grocery,” sabi ng netizen.

Matatandaan na isa sa mga imahe na ipinapakita ng pamilya Duterte sa publiko ay ang kanilang pagiging simple.

Hindi naman napigilan ng ilang netizen na humanga sa pagiging simple ni Duterte na nakakuha ng 31-M na boto nitong nakaraang halalan.

“This should be the norm, not the exception.” sabi ni netizen Laurie Lee Tan.

“Nag compare pa sa presyo. Wais na misis si VP,” komento ni Adelyn Patatag.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular