HomeCelebritiesMaine Mendoza, itinanggi sa mga AlDub fans na may anak sila ni...

Maine Mendoza, itinanggi sa mga AlDub fans na may anak sila ni Alden Richards: “Ayoko lang ng parang nanloloko para sa fame”

Pitong taon matapos ang tinaguriang ‘AlDub’ phenomenon ay mayroon parin diumanong mga fans ang naniniwala na mayroong naging bunga ang tambalan ni Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ni Maine na mayroon paring mga fans ang tinatanong siya kung may katotohanan ba na mayroon siyang anak kay Alden.

Tila mayroon paring mga netizens na nabubuhay sa pantasya kung saan ay nagkatuluyan si Alden at Maine at nagkaroon na sila ng anak.

aldub 2

“Meron pa rin po na hanggang ngayon, kumakapit pa rin dun. So yun yung hindi ko rin ma-tolerate, and I tried calling them out pa po a couple of times already pero ayaw po talaga nilang maniwala,” kwento ni Maine.

“Yung iba kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak na kami. Totoo po ito, marami na po akong tao na dinirect message sa Twitter to tell them na, ‘Wala pong katotohanan.'” dagdag pa niya.

Ngunit may ilan parin fans na hindi naniniwala kahit na ilang beses na siyang naglabas ng pahayag sa Twitter para linawin na wala silang naging relasyon ni Alden.

“Ang reply nila sakin, ‘Hindi si Maine yan. Admin yan ng account ni Maine. May asawa na si Maine, may anak na si Maine.’ Parang umabot na lang din po ako sa point na, ‘Nakakapagod na mag-explain,'” aniya.

Ayon sa kanya ay mas pinili niya na maging totoo sa mga fans ng AlDub kaysa sa lokohin ang mga ito para sa patuloy niyang pagsikat.

Kasalukuyang engaged si Maine kay Quezon City 1st District Rep. at aktor na si Arjo Atayde.

“Ayoko ko lang ng parang nanloloko ka ng tao para sa fame, sa money. Hindi po ako ganun kasi talagang tao” paliwanag niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular