HomeCelebritiesJim Paredes inalala ang mga huling sandali niya kasama si Danny Javier:...

Jim Paredes inalala ang mga huling sandali niya kasama si Danny Javier: “He had the saddest eyes when I saw him”

Inalala ni Jim Paredes ang mga huling sandali nila ng pumanaw na kasamahan niya sa APO Hiking Society na si Danny Javier.

Sa panayam sa kanya ng CNN Philippines, ibinahagi ni Jim na dumalaw pa siya kay Danny sa ospital bago ito pumanaw.

Ayon sa kanya ay nasa ICU na si Danny ng pumunta siya sa ospital at hindi nito napigilan na malungkot sa kalagayan ng kanyang kaibigan.

apo 2022 10 31 19 45 14

“I went there and I looked at him and he had the saddest eyes when I saw him and I held his hand.” ani Paredes.

“I was holding his hand for about an hour and I kissed his hand all the time. And tell him, you know, ‘I love you bro.’” dagdag pa niya.

Hindi rin nito nakalimutan na awitin ang kanyang kaibigan na nakasama niya sa APO ng apat na dekada.

“And then I held his face. His eyes were so bright, actually. And then I sang a song, a line from the Beatles song Two of Us, and it goes, ‘you and I have memories longer than the road that stretches out ahead.” kwento pa niya.

Ibinahagi din nito na tila ayaw siyang paalisin ni Danny ngunit napansin niya na pagod na ito.

“So I said to Danny, ‘aalis na ako’, then he squeezed me really tight and then I let go of his hand. Then I just said, ‘love you bro, till we meet again.’ Of course it’s not as, I mean, I can’t possibly explain what went through that.” kwento pa niya.

Pumanaw nitong Oktubre 31 ang legendary OPM artist.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular