HomeSocial Media'Bantag' pinangalanan bilang 'mastermind' ng nagpatumba kay Percy Lapid

‘Bantag’ pinangalanan bilang ‘mastermind’ ng nagpatumba kay Percy Lapid

Mayroong bagong rebelasyon ang isa sa mga suspek na nagpatumba sa nasawing mamamahayag na si Percy Lapid.

Sa affidavit na nakuha ng GMA News, sinabi ni Joel Escorial na sinabihan diumano siya ng middleman na nasa Bilibid na ang mastermind sa likod ng nangyari kay Lapid ay isang nagngangalang ‘Bantag’.

“Subalit dahil patay na po siya ay sasabihin ko na po na talagang sinabi niya sa akin na si BANTAG ang nag-utos sa amin.” sabi ni Escorial.

bantag percy lapid scaled

Ayon sa kanya ay sinabi ito ng middleman sa kanya habang nag-uusap sila bago ito makitang wala ng buhay sa loob ng Bilibid.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director-General Gerald Bantag tungkol sa rebelasyon ni Escorial.

Matatandaan na sa panayam sa kanya ni Anthony Taberna ay malakas na ang kutob ni Bantag na siya ang ididiin na suspek sa nangyari kay Lapid upang mapaalis diumano siya sa pwesto.

“Parang ako na nga. Kasi ang dami – 160 – bakit hindi i-relieve ‘yon ng BJMP na sinasabing nando’n din ‘yong middleman. Sa bagay, hindi siguro namatay ‘yon pero, ano ngayon ang safeguard din na ginagawa nila?” aniya.

“Nasa’n? Expose din ninyo ‘yong ano, ‘yong 159, baka tumakas din eh. Baka nando’n sila. Bakit sila naka-ano lang sa akin?” dagdag pa nito.

READ: Gen. Gerald Bantag, may babala kay PBBM: “Maging watchful ka, baka yan ang maging downfall mo”

Pinangalanan ni Bantag si acting BuCor chief Gregorio Catapang Jr. na makikinabang diumano sa pagkakasibak sa kanya.

“Siyempre, ang unang makikinabang diyan, ‘yong gusto akong masibak diyan. Itong si Catapang na nag-surface sa akin no’ng August pa lang, eh definitely siya ang nakinabang.” ani Bantag.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular